KABUUANG 1,370 classrooms ang napaulat na nasira bunsod ng bagyong Opong at ng Habagat.
Batay sa Situation Report ng Department of Education (DepEd), mula sa kabuuang bilang, 891 classrooms ang nagtamo ng Minor Damage; 225 ang nagkaroon ng Major Damage; habang 254 ang Totally Damaged.
ALSO READ:
Finger heart sign ni Sarah Discaya, itinuturing ng DOJ na kawalan ng sinseridad
Hearings ng ICI, hindi mapapanood sa livestream – Executive Director
26, napaulat na nasawi bunsod ng mga Bbagyong Mirasol, Nando, at Opong, at maging Habagat – NDRRMC
Halos 5 bilyong pisong Air Assets ni Cong. Zaldy Co at 500-million peso luxury cars ng mga sangkot sa Flood Control Anomalies, nais ipa-freeze ng DPWH
Inihayag din ng DepEd na 13.3 million learners at 569,000 personnel mula sa 23,796 public schools sa labintatlong rehiyon ang naapektuhan ng masamang panahon.
Karamihan sa mga naapektuhang mag-aaral ay mula sa Bicol Region, Eastern Visayas, Calabarzon, Central Luzon, at MIMAROPA.
Nakapagtala rin ang DepEd ng 121 schools na nagsisilbing Evacuation Centers.