HINDI ipalalabas sa livestream ang mga pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) upang maiwasan ang “Trial by Publicity” at anumang impluwensyang politikal.
Sinabi ni ICI Executive Director Brian Keith Hosaka na ito ang kasalukuyang polisiya ng komisyon at ang layunin ng kanilang initial hearings ay case build-up para sa Criminal, Civil, at Administrative Action.
ALSO READ:
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Gayunman, nilinaw ni Hosaka na magkakaroon ng iba pang diskusyon para tugunan ang panawagan para sa transparency.
Aniya, batid ng ICI ang request ng publiko para sa live-streaming ng hearings, at pag-uusapan nila sa komisyon ang solusyon upang ma-balanse ang kahilingan para sa transparency at maprotektahan ang karapatan ng mga indibidwal na sangkot sa anomalya.
