NAGBITIW na si Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez bilang speaker ng House of Representatives.
Sinabi ni Romualdez na habang tumatagal ang kanyang pananatili sa posisyon ay bumibigat ang kanyang dinadala sa Kamara at sa pangulo na palagi niyang sinusuportahan.
Paglipat ng Flood Control Project Funds sa edukasyon, suportado ng Budget Department
Paglalagay ng 2 pang Temporary Pumps sa Sunog Apog Pumping Station sa Maynila, ipinag-utos ng DPWH chief
ICI, inirekomendang kasuhan si Zaldy Co at iba pang mga opisyal ng DPWH bunsod ng Flood Control Project sa Mindoro
Rep. Zaldy Co, nagbitiw bilang kongresista!
Aniya, matapos ang malalim na pag-iisip at taimtim na pagdarasal, nagpasya siya ng buong puso at may malinis na konsensya, na bakantehin ang kanyang posisyon bilang house speaker.
Idinagdag ni Romualdez na ginawa niya ito upang malayang magawa nang walang pagdududa, panghihimasok at impluwensya ng Independent Commission for Infrastructure ang kanilang mandato.
Paulit-ulit na nabanggit ang pangalan nina Romualdez at Dating House Appropriations Panel Chairman Zaldy Co kaugnay ng komisyon mula sa umano’y maanomalyang Flood Control Projects.
Binigyang diin din ni Romualdez na ang kanyang pagbaba ay hindi pagsuko kundi katapatan sa serbisyo.
Samantala, inihalal ng mga miyembro ng Kamara si Isabela 6th District Rep. Faustino “Bojie” Dy III bilang house speaker, kapalit ni Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez.
Dalawandaan limampu’t tatlong kongresista ang bumoto kay Dy, dalawapu’t walo ang nag-abstain at walang Negative Votes.
Iniluklok ang bagong speaker kasunod ng pagbibitiw ni Romualdez, isang araw matapos itong makipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pati na sa Presidential Son na si House Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos.
Sa pagbaba ni Romualdez, walang dahilan para sa sinumang house member na ideklarang bakante ang posisyon ng speaker, at agad ibinoto si Dy bilang lider ng Kamara.
Si Quezon City Rep. Ralph Recto ang nag-nominate kay Dy kapalit ni Romualdez at wala ng iba pang miyembro na ni-nominate para hamunin si Dy.
Bago nailuklok bilang speaker, nagsilbi si Dy bilang isa sa deputy speakers sa ilalim ng liderato ni Romualdez na kumakatawan sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP)