BINAWI na ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang suspension sa Procurement Activities para sa mga proyektong pinondohan ng bansa sa ilalim ng ahensya.
Nakasaad sa Memorandum na ang pagbawi sa suspensyon ay upang mapigilan ang pagkaantala sa pagpapatupad ng mahahalagang national infrastructure.
ALSO READ:
Paglipat ng Flood Control Project Funds sa edukasyon, suportado ng Budget Department
Paglalagay ng 2 pang Temporary Pumps sa Sunog Apog Pumping Station sa Maynila, ipinag-utos ng DPWH chief
ICI, inirekomendang kasuhan si Zaldy Co at iba pang mga opisyal ng DPWH bunsod ng Flood Control Project sa Mindoro
Rep. Zaldy Co, nagbitiw bilang kongresista!
Naglatag din ang kagawaran ng mga hakbang na dapat sundin sa pagsasagawa ng Bidding Process, gaya ng live streaming ng bidding activities, geotagging ng project sites, at iba pa.
Sept. 6 nang ipatigil ni Dizon ang bidding activities para sa Locally Funded Works sa gitna ng isinasagawang imbestigasyon hinggil sa umano’y maanomalyang Flood Control Projects.