LABING apat na indibidwal ang nailigtas mula sa umano’y Human Trafficking at Illegal Recruitment sa Rizal, Palawan, ayon sa Women and Children Protection Center ng PNP.
Sinabi ni Police Major Shari Vannesa Deseo ng WCPC Public Information Office, na apat na suspek din ang nasakote, matapos tumugon ang mga awtoridad sa Report ng Department of Migrant Workers at ng Presidential Anti-Organized Crime Commission.
5 hinihinalang miyembro ng NPA, patay sa engkwentro sa Lagonoy, Camarines Sur
Bulkang Kanlaon sa Negros, muling nagbuga ng abo
Batang babae, nailigtas mula sa nasawing hostage taker sa Marawi City
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Aniya, isa sa mga suspek ay nagpanggap noong una na biktima subalit nadiskubre ng mga awtoridad na “facilitator” pala ito sa naturang panloloko.
Hinikayat umano ng mga suspek ang mga biktima sa pamamagitan ng posts sa Facebook na nag-aalok ng trabaho sa abroad bilang Customer Service Representative.
Gayunman, pinuwersa umano ang mga biktima na magtrabaho bilang Cryptocurrency Scammers sa Cambodia, Myanmar, pati na sa Thailand, at ibiniyahe sila sa pamamagitan ng “Backdoor.”
