NALAGLAG ang Pilipinas sa halos pinaka-ibaba sa taunang Global Ranking ng abilidad ng mga bansa na makahikayat at makapagpanatili ng Skilled Workforce, batay sa Report ng Institute for Management Development (IMD) World Competitiveness Center.
Sa World Talent Ranking (WTR) 2025 ng IMD, bumagsak sa 64th ang Pilipinas mula sa 69 Countries, mula sa 63rd out of 67 Economies noong nakaraang taon.
Patuloy na nangungulelat ang Talent Competitiveness ng Pilipinas kumpara sa Asia-Pacific Neighbors.
Nasa ika-labing tatlong pwesto ang Pilipinas mula sa labing apat na Asia-Pacific Countries, na mahusay lang ng kaunti sa Mongolia.
Ang Hong Kong na Highest-Ranking Economy sa Asia-Pacific ay nasa ika-apat na pwesto sa Global Talent Index ng IMD; sumunod ang Singapore, 7th Place at Taiwan, 17th Place.
Muli namang na-domina ng European Economies ang Talent Index sa pangunguna ng Switzerland, Luxembourg, at Iceland.