“IDI-nate” noon ng BTS member na si Jimin ang aktres na si Song Da-Eun, subalit wala nang relasyon ang dalawa ngayon.
Paglilinaw ito ng Agency ng K-Pop Superstar, kasunod ng kumalat na dating rumors.
Kinumpirma ng BigHit Music ang past relationship sa pamamagitan ng Statement, sa pagsasabing naging Romantically Involved sina Jimin at Song, ilang taon na ang nakalipas.
Umugong ang dating rumors tungkol sa dalawa noong nakaraang linggo matapos i-upload umano ng aktres ang kanyang video, kasama ang “Who” Hitmaker.
Unang tumanggi ang BigHit na magkomento bilang respeto kay Song, subalit nagpasya silang linawin ang isyu, kasunod ng mga haka-haka tungkol sa Private Life ng kanilang artist.
Nanawagan din ang kumpanya sa publiko na iwasang maghinala sa pribadong buhay ni Jimin at gumawa ng mga hakbang na makakapanakit sa aktres.




