NAMAYAGPAG ang PLDT laban sa Guest Team na Kobe Shinwa University sa Finals ng 2025 PVL Invitational Conference.
Mula sa Set 1 kung saan nadapa ang PLDT sa score na 21-25, bumawi ang koponan sa mga sumunod na Sets kontra Shinwa sa scores na 31-29,25-22, at 25-18.
Pinoy jet ski racers, nakasungkit ng medalya sa WGP-1 Waterjet World Cup 2025 sa Thailand
Tim Cone, pinuri ang teams ng Gilas Men and Women sa nakamit na tagumpay sa SEA Games
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Dahil dito, nakamit ng High Speed Hitters ang ikalawang sunod na titulo kasunod ng kanilang Tournament Sweep sa nagdaang PVL on Tour.
Pinangunahan ni Savi Davison ang PLDT sa kanyang 20 points, kasama ang 9 digs at 18 receptions, dahilan para tanghaling MVP sa Tournament.
Ang kanyang teammate na si Kath Arado ang Best Libero habang kinilala sina Jema Galanza at Nagisa Komatsuda bilang Best Outside Spikers at si Ara Galang bilang Best Opposite Spiker.
Inaward naman kina Jeanette Panaga at Riza Nograles ng Zus Coffee ang Best Middle Blocker Plums habang inuwi ni Sakura Furuta ang Best Setter Award.
