ILANG oras matapos manumpa, agad ipinag-utos ng bagong kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na si Vince Dizon na maghain ng courtesy resignations ang lahat ng matataas na opisyal hanggang sa pinakamababa sa District Level.
Sinabi ni Dizon na saklaw ng kanyang kautusan ang Undersecretaries, Assistant Secretaries, Divison Heads, Regional Directors hanggang sa District Engineers sa buong bansa.
Financial Transactions ng Flood Control Contractors, iniimbestigahan na ng AMLC
Dating DPWH Sec. Bonoan, pinangalanan sa bagong pasabog ni Sen. Lacson
Senators Jinggoy Estrada at Joel Villanueva, idinawit sa maanomalyang Flood Control Projects
PBBM, nakabalik na sa bansa mula sa State Visit sa Cambodia bitbit ang limang nilagdaang Kasunduan
Inilarawan ng bagong DPWH chief ang hakbang bilang “Sweep,” alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na linisin ang ahensya.
Naniniwala rin si Dizon na mayroon pa ring mabubuti sa DPWH, at ilalagay niya ang mga ito sa tamang posisyon.
Binigyang diin naman nito na hindi mamamayagpag ang katiwalian sa Flood Control Projects kung walang mga taga-loob ng ahensya na nakipagsabwatan.