PINAG-iingat ng Department of Budget and Management ang publiko sa kumakalat na text message na nagsasabing nakatanggap umano sila ng halagang P5,000 sa kanilang Gcash account na galing sa DBM National Cash Aid.
Ayon sa DBM, hindi kasama sa mandato ng ahensya ang mamigay ng ayuda, at wala itong “National Cash Aid” Program.
ALSO READ:
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Paalala ng DBM sa publiko, huwag paniwalaan ng naturang mensahe dahil isa itong scam.
Hinihikayat din ang lahat na maging mapanuri sa mga impormasyon na natatanggap sa pamamagitan ng text message o social media.