IBINUNYAG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na umabot sa mahigit 545 billion pesos ang kabuuang halaga ng Flood Control Projects simula July 2022 hanggang May 2025.
Sa press conference, sinabi ng pangulo na 9,855 ang kabuuang bilang ng Flood Control Projects, simula nang mag-umpisa ang kanyang administrasyon.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Gayunman, 6,021 projects na nagkakahalaga aniya ng 350 billion pesos ang nabigong tukuyin ang uri ng mga istrukturang itinayo, ni-repair o isinailalim sa rehabilitasyon.
Bilang bahagi ng Initial Findings, isiniwalat ni Marcos na iba’t ibang proyekto sa iba’t ibang lokasyon ang mayroong magkakatulad Contract Cost.
Nangangahulugan lamang aniya ito na pare-pareho ang mga disenyo, materyales, at sukat na ginamit kahit magkakaiba ang mga lokasyon o lupain.
Ang mga rehiyon na mayroong pinakamaraming proyekto at may pinakamalaking ginastos ay ang National Region na may 1,058 projects na nagkakahalaga ng 52.57 billion pesos; sumunod ang Central Luzon at Bicol Region.