PUSPUSAN nang tinatrabaho ng Defense Team ni Vice President Sara Duterte ang isusumiteng Komento sa Korte Suprema.
Ito ay matapos magpasya ang Senado na igarahe ang Impeachment Complaint laban sa bise president.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Ayon kay Attorney Micheal Poa, Co-counsel ni Vice president Duterte, kinikilala ng kanilang kampo ang pasya ng Senado na tumalima sa SC Ruling.
Sa ngayon ay naka-sentro aniya ang Legal Team ni VP Sara sa isusumiteng Komento bilang pagsunod sa kautusan ng SC.
Sa kautusan ng SC na inilabas noong August 5, binigyan ng sampung araw ang kampo ni VP Sara para magkomento sa Motion for Reconsideration na inihain ng Kamara kaugnay sa pasya ng mataas na hukuman na nagdeklarang Unconstitutional sa Articles of Impeachment laban sa vice president.