20 August 2025
Calbayog City
Local

Halos 35K na potensyal na botante sa Eastern Visayas, nagpatala sa unang 4 na araw ng Voter Registration

HALOS 35,000 na Applications para sa Voters’ Registration sa Eastern Visayas ang tinanggap ng COMELEC, simula nang magsimula ang pagpapatala noong Aug. 1.

Sinabi ni COMELEC Eastern Visayas Director Jose Nick Mendros, na 34,930 mula sa anim na lalawigan sa rehiyon ang nagsumite ng aplikasyon hanggang noong Aug. 4.

Kabilang dito ang 24,935 na kabataang edad kinse hanggang trenta at eligible para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa Total Registrants, 1,632 ang nag-apply mula sa Biliran Province; 3,582 sa Eastern Samar; 14,804 sa Leyte; 5,210 sa Northern Samar; 7,297 sa Samar; at 2,405 sa Southern Leyte.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).