NAGBIGAY ang European Union (EU) ng 500,000 euros o mahigit 33 million pesos na halaga ng Humanitarian Aid sa Pilipinas.
Ito’y para tulungan ang pamahalaan sa pagtugon sa mga lugar na naapektuhan ng pananalasa ng sunod-sunod na bagyo at pinaigting na Habagat kamakailan.
Sa statement, inihayag ng EU na makatutulong ang Funding para maibigay ang pinaka-kinakailangan ng mga residenteng labis na naapektuhan ng kalamidad sa Calabarzon at Central Luzon, lalo na ang mga komunidad na mahirap puntahan.
Sinabi pa ng EU na ang 500,000 euros ay bukod pa sa 6 million euros na inilaan para sa Humanitarian Aid and Disaster Preparedness ng Pilipinas ngayong 2025.