INATASAN ng Korte Suprema si Vice President Sara Duterte at ilang mga abogado na maghain ng komento sa apela ng Kamara kaugnay sa desisyon ng Korte Suprema sa Impeachment Case ng bise presidente.
Matapos ang isinagawang En Banc Session, inatasan sina VP Sara, at abogadong si Israelito Torreon at iba pa na maghain ng komento sa loob ng 10-araw.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Sa Motion for Reconsideration ng Kamara, sinabi nitong dapat payagan ng Supreme Court na gampanan ang tungkulin nito na papanagutin ang isang Impeachable Official gayundin ang Senado na dinggin ang kaso.
Ito ay makaraang ideklara ng SC na ang Articles of Impeachment laban kay VP Sara Duterte ay sakop ng One-Year Ban Rule sa ilalim ng Saligang Batas.
Sinabi din ng SC na labag sa Right to Due Process ang nasabing Articles of Impeachment.
Samantala, hiniling ng iba’t ibang indibidwal sa Supreme Court (SC) na irekonsidera ang desisyon nito na nagdedeklarang unconstitutional ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa Letter-Petition na mayroong mahigit isandaang lagda at naka-address kay Chief Justice Alexander Gesmundo, nanawagan din ang mga petitioner sa kataas-taasang hukuman na magsagawa ng Oral Arguments.
Nakasaad sa liham na dahil sa bigat ng impact ng desisyon ng Korte ay marapat lamang na magpatawag ng mga sesyon, para sa Oral Arguments hinggil sa nasabing kaso, upang higit na mapag-usapan ang iba’t ibang perspektibo.
Idinagdag ng petitioners na umaasa sila na sa pamamagitan ng Oral Arguments, at makakakita ng sapat na liwanag at bagong pananaw ang SC, para baliktarin ang naunang desisyon at bigyang daan ang pagtupad ng senado sa konstitusyunal na tungkulin nito at agarang isagawa ang Impeachment Trial laban sa bise presidente.