NAPANATILI ni WBC Welterweight Champion Mario barrios ang kanyang World Title mataos ang 12-Round Fight sa kwarenta’y sais anyos na si Manny Pacquiao.
Sa pamamagitan ito ng score na 115-113 pabor kay Barrios, 114-114, at 114-114 Majority Draw, kahapon (oras sa Pilipinas), sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada, sa Amerika.
Alex Eala, makakaharap si Alycia Parks ng Amerika sa Main Draw Debut sa Australian Open
Venus Williams, bigo sa 1st Round ng Australian Open Tuneup Event
Akari, kumuha ng 3 bagong players bago ang PVL All-Filipino Conference
Pinay Tennis Star Alex Eala, naabot ang Career-High No. 49 matapos ang pagsabak sa ASB Classic
Agad nagpakita ng bangis si Pacquiao sa Opening Round sa pamamagitan ng kanyang bilis at kumbinasyon habang si Barrios naman ay tila pinapa-dama ang pambansang kamao sa kanyang jab at hindi ito minamadali.
Sa kalagitnaan ng laban ay ilang ulit na nakuha ng suntok ni Barrios ang atensyon ni Pacman habang patuloy ang pagbigwas ng kamao ng Pinoy boxer, at pinagtunayang may ibubuga pa siya sa edad na 46.
Hanggang sa pagtatapos ng laban ay kumapit si Pacquiao sa kanyang bilis at kumbinasyon habang si Barrios ay consistent sa jabs at body punches.
