NAG-resign na ang CEO ng American Tech Company matapos mag-viral at umani ng walang humpay na memes ang video nito habang kayakap ang isang colleague sa concert ng Coldplay.
Sa statement na ibinahagi sa Linkedin, sinabi ng New York-based Astronomer na inaasahan na ang kanilang leaders ay mag-set ng standard sa Conduct and Accountability, at kamakailan lamang ay hindi ito naabot.
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Dennis Trillo, ipinagtanggol ang misis na si Jennylyn Mercado sa gitna ng umano’y hindi pagkakasundo sa mga biyenan
Kinumpirma ng kumpanya na nag-resign si Andy Byron, kasunod ng paglulunsad ng imbestigasyon.
Sa Coldplay concert sa Foxborough, Massachusetts, lumabas sa Jumbotron o Video Wall ang isang couple na magkayakap at nagulat ang mga ito at napabitaw bigla.
Agad nagtakip ng mukha ang babae at tumalikod habang ang lalaki naman ay yumuko at nagtago upang hindi makita sa frame.
Ilang oras makalipas ang insidente, natunton na ang lalaki ay CEO ng Astronomer at ang babae ay Chief People Officer ng kumpanya na si Kristin Cabot, at umano’y may relasyon ang dalawa, sa kabila ng pareho silang mayroong sariling pamilya.
