NAGBUKAS ng bagong account sa Instagram ang BTS member na si Jungkook, dalawang taon matapos niyang i-deactivate ang dati niyang Page sa Social Media Platform.
Inilunsad ni Jungkook ang kanyang bagong Instagram Account sa ilalim ng Username na @mnijungkook, kahapon, na agad nagkaroon ng mahigit three million followers.
ALSO READ:
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Finallow din ng “Seven” singer ang Official Instagram Page ng BTS, pati na ang kanyang bandmates na sina RM, Jin, Suga, J-Hope, Jimin, at V.
Matapos ilunsad ang kanyang account, saglit na nag-live sa IG si Jungkook, kasama sina V at RM, para batiin ang kanilang followers.
Binuksan ni Jungkook ang kanyang unang IG Account noong 2021 subalit dine-activate niya ito noong 2023.
