HINDI lang kabuhayan ng mga mangingisda ang apektado ng balitang sa Taal Lake umano itinapon ang mga bangkay ng mga nawawalang sabungero.
Sa Talisay na isa sa mga bayan na nakapalibot sa lawa, biglang bumaba ang bilang ng mga bisitang nakansela ng kanilang Reservations at Bookings.
Sinabi ni Talisay Municipal Administrator Alfredo Anciado, na hindi pa man sila tuluyang nakababangon mula nang pumutok ang bulkan, pati na noong Pandemic, ay apektado na naman ang kanilang Tourism Industry dahil sa Retrieval sa mga sabungero.
Katunayan, isang Hotel-Resort ang nag-request ng Certification mula sa Municipal Government para tiyakin sa kanilang mga guest na hindi nakaaapekto sa Tourism Activities ang Retrieval Operations.
Nanawagan din sa National Government ang lokal na pamahalaan ng Talisay na muling payagan ang mga turista na tumapak sa Volcano Island, kahit sa limitadong mga lugar lamang.
Simula nang pumutok kasi ang bulkan noong 2020 ay idineklara nang Permanent Danger Zone ang buong Volcano Island.




