13 October 2025
Calbayog City
National

Sako na naglalaman ng tila mga buto, narekober sa isinasagawang Retrieval Operations para sa mga nawawalang sabungero sa Taal Lake

ISANG sako na naglalaman ng tila mga buto ang narekober ng mga awtoridad sa Retrieval Operations para sa labi ng mga nawawalang sabungero na umano’y itinapon sa Taal Lake sa Batangas.

Ayon kay Police Colonel. Geovanny Emerick Sibalo, Provincial Director ng Batangas Police, narekober ang sako, sampung metro ang layo mula sa dalampasigan.

Hindi pa kumpirmado kung ang mga buto ay mula sa tao, bagaman nai-turnover na ang sako sa Regional Scene of the Crime Operatives para sa Forensic Examination.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).