PITUMPU’T apat na doktor ang idineploy ng Department of Health (DOH) sa iba’t ibang lugar sa Eastern Visayas upang matugunan ang kakulangan ng mga manggagamot sa Rural Communities.
Ayon kay DOH Eastern Visayas Regional Information Officer Jelyn Lopez-Malibago, kabilang sa 42nd batch na idineploy ng ahensya buong bansa ang labing apat na bagong mga doktor, na itinalaga sa labing apat na lugar sa rehiyon.
Ipinakalat ang mga doktor sa Liloan at Anahawan sa Southern Leyte; Palompon, Palo, Calubian, Mahaplag, Burauen, Bato at Babatngon sa Leyte; Naval sa Biliran; Motiong at Matuguinao sa Samar; Arteche sa Eastern Samar; at Silvino Lobos sa Northern Samar.
Sa ilalim ng Doctors to the Barrios Program ng DOH, ang mga bagong doktor ay tutulong sa paghahatid ng Healthcare Services, kabilang ang Regular Check-ups, Vaccinations, Health Education, at Emergency Care.