BINUKSAN ng Alas Pilipinas Men ang kanilang kampanya sa First Leg ng SEA V. League sa pamamagitan ng 25-17, 25-23, 25-19 Victory laban sa Vietnam, sa Candon City Arena sa Ilocos Sur.
Pinangunahan ni Leo Ordiales ang Alas Pilipinas sa kanyang Game-High na 20 points na lahat ay pawang attacks habang nag-ambag si Buds Buddin ng 16 points mula sa 12 attacks at 4 blocks.
ALSO READ:
Pinoy jet ski racers, nakasungkit ng medalya sa WGP-1 Waterjet World Cup 2025 sa Thailand
Tim Cone, pinuri ang teams ng Gilas Men and Women sa nakamit na tagumpay sa SEA Games
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Pinangunahan naman ni Ngoc Thuan Nguyen ang Vietnam Team sa kanyang 13 points mula sa 11 attacks, isang block, at isang ace.
Sunod na makakalaban ng Alas Pilipinas Men ang koponan ng Thailand ngayong Huwebes.
