NAKIISA si Samar Governor Sharee Ann Tan at mga opisyal ng Provincial Government sa Department of Science and Technology (DOST) sa pagtanggap kay Consul General Neil Frank Ferrer ng Philippine Consulate General sa San Francisco, sa isang Courtesy Visit na ginanap bilang bahagi ng Very Important Pinoy (VIP) Tour 2025.
Ibinida sa pulong ang BANIG o Basey Association for Native Industry Growth Inc., na isang Community-Based Initiative na binubuo ng Tikog weavers mula sa Basey, Samar.
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Official selection ng CSO representatives, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 3,700 na kabahayan sa Eastern Visayas, napinsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan
Binigyang diin ni Tan kung paanong nabigyan ng kapangyarihan ng proyekto na suportado ng DOST Region 8, ang local artisans, na karamihan mga babae, sa pamamagitan ng pagbibigay ng Upgraded Looms, Training, Product Tools, at Market Access, habang pini-preserba ang Cultural Heritage.
Pinuri naman ni Consul General Ferrer ang hakbang ng Samar, at pinagtibay ang kahalagahan ng pinagsama-samang Agham, Kultura, at Grassroots Empowerment.
