NAGHAHANDA na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) sa July 28.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro na pinaghahandaan ng pangulo ang mas magandang report sa kanyang mga proyekto at accomplishments.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Wala namang ibinigay na iba pang detalye ang Palace official hinggil sa SONA ng punong ehekutibo.
Una nang inihayag ng PNP na maglalatag sila ng mahigpit na seguridad upang matiyak ang mapayapa at maayos na pag-uulat sa bayan ng pangulo.
Kinumpirma rin ni House Secretary General Reginald Velasco na hindi dadalo sa SONA ni Pangulong Marcos si Vice President Sara Duterte.
Ayon pa kay Velasco, mahigit dalawandaang mga panauhin ang nagkumpirma na ng kanilang pagdalo sa SONA.
