14 November 2025
Calbayog City
Local

Paglulunsad ng National Fiber Backbone Phases 2 at 3, pinangunahan ni Pangulong Marcos sa Leyte; Internet Access, hindi na pribilehiyo kundi isa nang pangangailangan, ayon sa chief executive

BINIGYANG diin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang pagkakaroon ng mabilis na Internet Access ay hindi na prebilehiyo, kundi isa nang pangangailangan. 

Pahayag ito ni Pangulong Marcos sa paglulunsad ng National Fiber Backbone Phases 2 at 3, sa lalawigan ng Leyte. 

Sa kanyang talumpati, sinabi ng pangulo kailangan ang mabilis na internet dahil ginagamit ito sa pag-aaral, trabaho, negosyo, at mapanatili ang koneksyon sa mga mahal sa buhay. 

Noong nakaraang buwan ay nangako ang punong ehekutibo na magbibigay ng mabilis na Internet Connectivity sa mga paaralan sa buong bansa, partikular sa malalayo at mga liblib na lugar. 

Layunin ng National Fiber Backbone Project na lumikha ng matatag at ligtas na Fiber Optic Network sa buong Pilipinas. 

Target ng proyekto na magkaroon ng mas mabilis, mas maaasahan, at Fully Digitalized Services para sa lahat ng mga Pilipino.

Ikinatuwa ng mga gobernador sa Eastern Visayas ang pagkakasama ng kanilang rehiyon sa National Fiber Backbone (NFB) Phases 2 at 3, dahil mabubuksan ang Economic Opportunities sa mahihirap na komunidad.

Sinabi ni Eastern Samar Governor Ralph Vincent Evardone na sa pamamagitan ng naturang proyekto ay magkakaroon ng koneksyon sa internet ang mga liblib na barangay.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).