7 July 2025
Calbayog City
Business

“Minimal” na epekto sa Remittances, inaasahan mula sa Trump Tax Bill

Magkakaroon ng “Minimal” Impact na 19.1 million dollars hanggang 148.4 million dollars sa perang ipinadadala ng Overseas Filipinos sa bansa ang Proposed Tax sa Remittances ni US President Donald Trump.

Ayon sa Department of Finance (DOF), inaasahan ang maliit na epekto sa ekonomiya ng tinawag na “One Big Beautiful Bill” ni Trump, mula sa 36.5 billion dollars na Projected Remittances sa 2026.

air asia

Pinanindigan naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang kanilang Cash Remittance Growth Projection na 2.8% ngayong 2025 at 3% para sa susunod na taon.

Kabilang sa mga pagbabago sa Bill na inaprubahan ng US House of Representatives noong Mayo, ang 1% Excise Tax sa lahat ng Remittances.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).