ITINAAS ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang 2026 Revenue Collection Target sa mahigit 1 trillion pesos sa unang pagkakataon, kasabay ng pangakong hihigpitan pa nila ang Enforcement Measures at palalakasin ang mga hakbang laban sa Smuggling.
Sinabi ng bagong talagang customs commissioner na si Ariel Nepomuceno, na target nilang makakolekta ng 1.1 trillion pesos sa susunod na taon.
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Aniya, halos pareho lamang ito para sa kasalukuyang taon subalit malayo pa ito sa target at hindi pa nangangalahati, kaya gagawin nila ang lahat para makahabol sa koleksyon, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang Revenue Target ng BOC ngayong 2025, ay ibinaba ng Development Budget Coordination Committee sa 990 billion pesos mula sa Original Target na 1.06 trillion pesos, bunsod ng tinapyasang mga taripa at inaasahang mahinang paglago ng imports.