4 July 2025
Calbayog City
National

Mahigit 20,000 na hindi rehistradong sasakyan, nahuli ng LTO sa buwan lamang ng Hunyo

UMABOT na sa mahigit 20,000 na hindi rehistradong sasakyan ang nahuli ng Land Transportation Office (LTO) sa iba’t ibang panig ng bansa sa nagdaang buwan lamang ng Hunyo.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, ang mahigit 20,000 na sasakyang nahuli ay maliit na bahagi lamang ng at inaasahan ng LTO na mas marami pang mahuhuli sa mas pinaigting na operasyon ng ahensya laban sa mga hindi rehistradong sasakyan.

Pinakaraming nahuli na hindi rehistradong sasakyan ang LTO-Calabarzon na nakapagtala ng 10,516 apprehensions kasunod ang LTO-Mimaropa na mayroong 2,925 na nahuli at ang LTO Cagayan Valley Region na may nahuling 2,591 na sasakyan.

Ayon kay Mendoza, maliban sa P10,000 na multa simula sa buwan ng Agosto, ang mga nahuhuling sasakyan na hindi rehistrado ay ipapa-impound na din.

Maliban sa pag-iwas sa parusa, sinabi ni Mendoza ang pagre-renew ng registration ay paraan din para matiyak na maayos ang kondisyon ng sasakyan at ligtas itong gamitin sa mga lansangan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).