PINAGTIBAY ng COMELEC En Banc ang resolusyon na nagde-deklara kay Bienvenido “Benny” Abante Jr. bilang Duly Elected Representative ng ika-anim na distrito ng Maynila sa nakalipas na May 2025 Midterm Elections.
Sa labindalawang pahinang desisyon na may petsang June 30, ibinasura ng COMELEC En Banc ang Motion for Reconsideration na inihain ng naunang nanalo na si Luis “Joey” Chua Uy laban sa June 18 Resolution na nagpawalang bisa sa kanyang Certificate of Candidacy.
DepEd NCR, nag suspinde ng Face-to-Face Classes ngayong Lunes hanggang bukas
Maynila, nakakolekta na ng 160 million pesos na buwis mula sa Flood Control Contractors
Navotas Floodgate, nabutas matapos mabangga ng barko
DOTr, binigyan ng Special Permits ang mahigit 200 na bus para magsakay ng mga pasahero sa NIA Road
Nakasaad din sa resolusyon na ang petitioner na si Abante, ang tanging kwalipikadong kandidato na nakakuha ng pinakamataas na boto. Ang idineklarang Duly Elected Member ng House of Representatives sa 6th District ng Maynila.
Una nang naghin ng petisyon si Abante laban sa pagkapanalo ni Chua hinggil sa Filipino Citizenship nito.