INAPRUBAHAN ng Department of Finance (DOF) ang pagdo-donate ng 1,251.68 na litro ng nakumpiskang gasolina sa Philippine Coast Guard (PCG) bilang suporta sa Maritime Operations nito.
Ang hakbang ay kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang kampanya laban sa smuggling at pagtitiyak sa pambansang seguridad.
Ang nasabing gasolina ay nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) alinsunod sa Section 1113 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), matapos lumabag sa mga regulasyon ng ahensya.
Ayon kay DOF Secretary Ralph Recto, ang donasyong gasoline ay suporta ng kagawaran sa Sektor ng Depensa.
Kasabay nito ay nagbabala din si Recto sa mga negosyanteng sangkot sa illegal na gawain.
Aniya, hindi palalampasin ng gobyerno ang ganitong uri ng panlalamang.