MAY alok na libreng sakay ang mga tren sa Metro Manila para sa mga Marino, bukas, June 25, sa pagdiriwang ng Day of the Filipino Seafarer.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), libre ang sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa mga seafarer, bukas.
ALSO READ:
DepEd NCR, nag suspinde ng Face-to-Face Classes ngayong Lunes hanggang bukas
Maynila, nakakolekta na ng 160 million pesos na buwis mula sa Flood Control Contractors
Navotas Floodgate, nabutas matapos mabangga ng barko
DOTr, binigyan ng Special Permits ang mahigit 200 na bus para magsakay ng mga pasahero sa NIA Road
Sa MRT-3, magsisimula ang libreng sakay simula ala singko y medya ng umaga hanggang sa matapos ang operasyon, habang sa LRT-2 ay mula 7 A.M. hanggang 9 A.M. at mula 5 P.M. hanggang 7 P.M.
Ipakita lamang ng mga marino ang kanilang valid na Seafarer’s Record Book, Seafarer’s Identity Document, o Seafarer’s Identification Booklet para makapag-avail ng libreng sakay.