13 October 2025
Calbayog City
Local

DSWD Tutoring Program, nakatulong sa 11,500 na mga mag-aaral at magulang sa Eastern Visayas

AABOT sa 11,592 na mga batang hirap makabasa, mga magulang at mahihirap na college students sa Eastern Visayas ang nakinabang mula sa Expanded Tara, Basa! Tutoring Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong taon.

Sinabi ng DSWD na sinuportahan ng programa ang 1,512 college students na nagsilbing tutors at Youth Development Workers, 5,040 struggling readers, at 5,040 parents at guardians. 

Layunin ng programa na ipinatupad sa 132 public schools sa Tacloban City, Ormoc City, at lalawigan ng Samar, na tugunan ang reading challenges habang nagbibigay ng financial assistance sa low-income college students.

Ang mahihirap na estudyante sa kolehiyo ay kinukuhang tutor sa mga batang hirap o hindi makabasa at nagsasagawa rin ng Learning Sessions para sa mga magulang.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).