HINDI nakaaalarma ang anim na porsyentong pagtaas sa kaso ng dengue sa loob ng dalawang linggo noong Mayo, ayon sa Department of Health.
Sinabi ni DOH Spokesperson Albert Domingo na 6,192 Dengue Cases ang naitala simula April 27 hanggang May 10 habang 6,217 noong May 11 hanggang 24.
ALSO READ:
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Ayon kay Domingo, hindi ito nakaaalarma dahil ito ang panahon na talagang tumataas ang Dengue Cases.
Gayunman, huwag din aniya itong hayaan na lumobo.
Binigyang diin din ng health official na mababa ang Case Fatality Rate ng bansa na nasa 0.4% lamang o sa bawat isandaang Pinoy na may dengue, apat lamang ang namamatay.