MAWAWALAN ng karapatan si Vice President Sara Duterte na sumagot kapag nabigo siyang magsumite ng tugon sa Summons na inisyu ng Senate Impeachment Court, nang mag-convene ito noong June 10.
Pahayag ito ni Dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, kasabay ng pagbibigay diin na hindi mapipigilan ng hindi pagsusumite ng sagot ni VP Sara ang Proceedings.
PNP, Pinamunuan ni Chief Nartatez sa Malawakang Paghahanda Laban sa Super Typhoon Uwan
Mahigit 9,000 personnel, dineploy ng DPWH para sa Clearing at Emergency Operations para sa Bagyong Uwan
Halos 500K Food Packs naipadala na sa mga LGU; RORO, Cargo Fees at Toll libre na para sa Emergency Responders at sasakyang maghahatid ng Relief
5 Dam sa Luzon, nagpakawala ng tubig sa harap ng banta ng Bagyong Uwan
Idinagdag ni Carpio na maari namang mag-prisinta ng ebidensya ang bise presidente, subalit naiwala na nito ang karapatan na maghain ng sagot.
Ang sampung araw na ibinigay ng Impeachment Court kay Duterte para tumugon sa Summons ay nagtapos noong June 21, subalit dahil tumapat ito ng Sabado, ay maaring isumite ng kampo nito ang sagot hanggang ngayong Lunes.
Una nang inihayag ni Senate Impeachment Court Spokesperson, Atty. Regie Tongol na magpapatuloy ang Impeachment Proceedings, kahit hindi tumalima si VP Sara sa Writ of Summons.
