DALAWAMPU’t pitong Pilipino mula sa Israel at walo mula sa Iran ang inaasahang babalik sa Pilipinas, ngayong linggo.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo De Vega, ang mga Pinoy mula sa Israel ay binubuo ng dalawampu’t anim na Overseas Filipino Workers (OFWs) at isang turista.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Aniya, posibleng dumating ang mga Pinoy na manggagaling ang flight sa Amman, mamayang hapon o kung hindi man ay bukas.
Samantala, ang walong Pilipino naman mula sa Iran na kinabibilangan ng anim na OFWs at dalawang turista, ay nakatakdang dumating sa bansa sa Huwebes.
Una nang inihayag ni DFA Assistant Secretary Robert Ferrer na siyam na Pinoy sa Iran ang humiling na ma-repatriate habang mahigit dalawandaang Pilipino mula sa Israel ang nais bumalik sa Pilipinas.
