NAKABALIK na sa bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasunod ng Working Visit sa Osaka, Japan.
Ala sais kagabi nang dumating ang pangulo matapos ang apat na araw na pagbisita sa Japan, kabilang ang pakikipagpulong sa Filipino Community sa Osaka at pangangalap ng business commitments sa Japanese Firms.
Sa social media post, sinabi ni Pangulong Marcos na makikipag-partner ang Kanadevia Corporation sa Philippine Ecology Systems Corp. para sa isang Waste-to-Energy Project.
Itatayo aniya ng Tsuneishi Group ang kauna-unahan sa buong mundo na methanol dual-fueled na Kamsarmax Bulk Carrier sa Cebu, na lilikha ng mga trabaho at maglalagay sa Pilipinas bilang leader sa Green Shipping.
Idinagdag ng punong ehekutibo na pinagtibay ng bansa ang partnership sa Japanese Tourism Leaders para magdala ng mas maraming mga bisita sa Pilipinas at magbukas ng karagdagang mga oportunidad para sa mga manggagawa.