PATAY ang isang limampu’t anim na taong gulang na lalaki makaraang saksakin at tagain ng kanyang kasamahan sa trabaho, sa Brgy. Capoocan, Calbayog City.
Batay sa imbestigasyon, nagkaroon umano ng pagtatalo ang dalawa dahilan para umalis ang biktima at pagbalik nito ay may dala na itong itak.
ALSO READ:
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Nagpambuno ang dalawa hanggang sa matumba ang biktima at naagaw ng suspek ang itak, saka nito tinaga at pinagsasaksak ang katrabaho.
Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit hindi na ito umabot ng buhay.
Sumuko naman ang suspek sa punong barangay ng Barangay Obrero at dinala ito sa Calbayog Police Station.
