PALALAWIGIN ng Department of Transportation (DOTr) ang Maintenance Contract ng Sumitomo Corp. para sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).
Ang kontrata na nakatakdang mag-expire sa Hulyo, ay nakapaloob sa pagtatapos ng Build-Lease-Transfer Agreement ng MRT-3 sa Metro Rail Transit Corp. (MRTC).
Bukod sa Maintenance Services, saklaw din ng agreement ang extension ng Rail Line, signal installation sa Common Station, at expansion ng Packet Track para madagdagan ang kapasidad ng tren.
Tumanggi naman si Transportation Secretary Vince Dizon na isiwalat kung gaano kahaba ang extension, sa pagsasabing isinasapinal pa ng gobyerno ang terms.
Idinagdag ni Dizon na target din ng pamahalaan na magsagawa ng bidding para sa Privatization ng MRT-3 ngayong taon.