2 July 2025
Calbayog City
National

Paniningil ng toll sa Marilao Northbound Segment, pinasususpinde ng DOTr kasunod ng panibagong aksidente sa Marilao Bridge

INATASAN ng Department of Transportation (DOTr) ang North Luzon Expressway (NLEX) Corp. na agad suspendihin ang paniningil ng toll sa Marilao Northbound Segment ng Expressway.

Ito ay hangga’t hindi nagiging passable sa mga motorista ang lahat ng apat na linya sa bahagi ng kalsada matapos na isang container truck ang tumama sa Marilao Interchange Bridge.

Inatasan din ang NLEX Corporation na magbigay karampatang tulong sa pamilya ng isang nasawi sa insidente at sa iba pang nasugatan kabilang ang 2-taong gulang na bata.

Humingi rin ng pangunawa ang DOTr sa mga motorista at komyuter dahil sa pangyayari.

Pinamamadali na ng ahensiya ang pagsasa-ayos ng apektadong imprastruktura upang agarang mapabilis at maayos ang daloy ng trapik sa lugar.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).