2 July 2025
Calbayog City
Local

1 pasyente mula sa Ormoc City, kumpirmadong tinamaan ng Mpox

ISANG pasyente sa Ormoc City ang nagpositibo sa Mpox, batay sa kumpirmasyon ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City.

Ayon sa Ormoc City Government, nananatiling asymptomatic ang lahat ng natukoy na close contacts at nasa ilalim ng close monitoring.

Samantala, tatlong probable cases na iniuugnay sa Index Patient ang mahigpit ding inoobserbahan.

Bunsod nito, hinimok ang publiko na ugaliing maghugas ng mga kamay, i-disinfect ang madalas na mahawakang mga bagay, iwasan ang skin-to-skin contact, at magsuot ng face mask sa matataong lugar.

Sakaling makaranas ng sintomas, gaya ng rashes, lagnat, o lisay-lisay (pamamaga ng kulani), mag-isolate at ipagbigay alam ito sa City Health Office sa pamamagitan ng kanilang hotline na 0921-070-0594.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).