PINAG-iingat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista sa umano ay Phishing Website na gumagaya sa “May Huli Ka” Website ng ahensya.
Kasunod ito ng report na natanggap ng MMDA mula sa National Computer Emergency Response Team (NCERT) sa ilalim ng Cybersecurity Bureau ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Ayon sa MMDA, na-detect ng NCERT ang isang Phishing Website na “May Huli Ba.”
Ang malisyosong site tricks na ito ay humihingi ng sensitibong impormasyon tulad ng License Plate Number.
Paalala ng MMDA sa publiko, maging alerto at huwag i-click ang mga kahina-hinalang Website o Links.
Ang Official Website para malaman kung mayroong huli sa No Contact Apprehension Policy ng MMDA ay http://mayhulika.mmda.gov.ph.