DESIDIDO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagpatuloy ang P20 Per Kilo Rice Program sa ilalim ng “Benteng Bigas Meron (BBM) Na” nang walang kontribusyon ng Local Government Units (LGUs).
Inihayag ng pangulo na sa ngayon ay ka-partner ng National Government ang LGUs, kaya naman pinag-aaralan niya ang proposal na sa susunod na taon ay wala ng kontribusyon ang mga lokal na pamahalaan.
Ayon kay Pangulong Marcos, sa kasalukuyan ay nagbibigay ang gobyerno ng rice supply na sapat para sa limampu’t isang porsyento ng populasyon sa bansa.
Umaasa rin ang punong ehekutibo na madaragdagan pa ang mga Pilipino na makabibili ng murang bigas.