BALAK ng Department of Transportation (DOTr) na magtayo ng panibagong istasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa Bacoor para makapagsakay ng mas maraming pasahero.
Sa harap ito ng plano ng pamahalaan na i-extend ang railway hanggang Cavite hanggang sa 2030.
ALSO READ:
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Sinabi ni DOTr Secretary Vince Dizon na posibleng gumastos ng 3 billion pesos para sa konstruksyon ng Talaba STation, na request ng Bacoor Local Government Unit.
Itatayo ang bagong istasyon sa pagitan ng Zapote at Niog Stations ng LRT-1 Cavite Extension Project, na pinangangasiwaan ng private sector partner na Light Rail Manila Corporation.