BALIK-bansa ang labing walong Overseas Filipino Workers (OFWs) na naapektuhan ng umiigting na tensyon sa Middle East.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), dumating ang OFWs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, kahapon ng alas nueve y medya ng umaga.
Patungo sana ang mga ito sa Tel Aviv sa Israel, at Amman sa Jordan, subalit na-stranded sa Dubai bunsod ng temporary shutdown sa major airports, sa gitna ng hidwaan sa gitnang silangan.
Inihayag ng DMW na nagbigay ang kanilang migrant office sa Dubai ng airport assistance at pagkain sa mga apektadong OFW bago sila pinasakay sa Philippine Airlines Flight PR 659 sa Dubai noong Linggo.
Binigyan din ang OFWs ng financial support sa pamamagitan ng DMW Aksyon Fund at iba pang kinakailangang assistance, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.