KABUUANG dalawampu’t apat na dump trucks ng basura ang nakolekta mula sa Maligaya Creek sa Caloocan City simula noong weekend, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Naglunsad ang MMDA at Caloocan City Government ng Cleanup Drive bilang bahagi ng “Bayanihan sa Estero” Program, na layuning alisin ang mga basura sa kahabaan ng mga estero at kanal upang maiwasan ang pagbaha ngayong tag-ulan.
DepEd NCR, nag suspinde ng Face-to-Face Classes ngayong Lunes hanggang bukas
Maynila, nakakolekta na ng 160 million pesos na buwis mula sa Flood Control Contractors
Navotas Floodgate, nabutas matapos mabangga ng barko
DOTr, binigyan ng Special Permits ang mahigit 200 na bus para magsakay ng mga pasahero sa NIA Road
Inihayag ng MMDA na apatnapu’t walong tonelada ng mga basura ang nakuha nila mula sa Maligaya Creek.
Kabilang sa mga nakolekta ay plastic bottles, food wrappers, at iba pang mga basura na itinapon sa mga daluyan ng tubig.
Tumulong din sa Cleanup Drive sa Maligaya Creek ang mga tauhan mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).