NAKIKIPAG-ugnayan ang PNP sa mga school administrator para i-assess at tugunan ang posibleng Security Concerns bago ang pagbubukas ng mga klase sa June 16.
Sinabi ni PNP Spokesperson, Brig. Gen. Jean Fajardo na ipinag-utos ni PNP Chief Nicolas Torre ang Maximum Police Visibility sa paligid ng mga paaralan, maging sa commercial establishments na karaniwang pinupuntahan ng mga estudyante pagkatapos ng kanilang mga klase, upang matiyak ang kanilang kaligtasan mula sa mga kriminal.
Inihayag din ni Fajardo na nalagpasan na ng Cyber-Related Crimes na kinasasangkutan ng mga estudyante ang mga tradisyunal na krimen, gaya ng pagnanakaw at “salisi.”
Plano rin aniya ng PNP na mag-organisa ng dayalogo kasama ang mga estudyante upang matugunan ang mga problema, gaya ng bullying.




