17 November 2025
Calbayog City
National

Hirit na i-adopt na lang ng Kamara ang P100 Wage Hike Bill ng senado, tinanggihan ni Rizal 4th Dist. Rep. Nograles

TINANGGIHAN ni Rizal 4th Dist. Rep. Juan Fidel Felipe Nograles ang kahilingan ng senado na i-adopt na lamang ang bersyon nito sa Minimum Wage Hike Bill.

Sa kaniyang liham kay Nograles, hiniling ni Sen. Joel Villanueva na i-adopt na lang ng Kamara ang bersyon ng senado kung saan P100 ang ipinapanukalang Wage Increase.

Sa bersyon ng Kamara, nakasaad na P200 dapat ang ibigay na Wage Hike sa mga manggagawa.

Ayon kay Villanueva, kung papayag ang Kamara ay hindi na kailangang magkaroon ng Bicameral Conference Committee.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).