PINAG-aaralan ng Department of Agriculture (DA) na magbenta ng bente pesos na kada kilo ng bigas sa mas marami pang lugar, salig sa kanilang target na maipakalat ito sa buong bansa pagsapit ng Jan. 1, 2026.
Sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na sa ngayon ay halos walumpung Kadiwa at Mataas Na Kita Centers na ang kasalukuyang nagbebenta ng bigas sa halagang bente pesos per kilo.
Aniya, ilan sa mga ito ay matatagpuan sa Cebu at Bacolod habang susunod na sa Siquijor, Bohol, at Camarines Sur, maging sa San Juan at Navotas sa Metro Manila.
Una nang inihayag ng DA ang kanilang plano na Nationwide Rollout sa Jan. 1, 2026, subalit pansamantala, ay available ang P20/kilo na bigas sa Kadiwa Centers at sa pamamagitan ng Local Government Units.