PINATAY ng sariling mister ang kanyang misis sa Samar dahil sa takot na iwan siya nito, at pagkatapos maisagawa ng krimen ay winakasan din nito ang sariling buhay.
Nangyari ang insidente, sa Barangay Tenani, sa bayan ng Paranas, noong Miyerkules.
ALSO READ:
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Sa police report, naglalaba umano ang misis na si alyas “Lilit” nang dumating sa bahay ang mister nito na kinilalang si alyas “Boboy” saka pinagsasaksak ang biktima.
Nang makitang patay na ang asawa ay sinaksak ng padre de pamilya ang sariling dibdib, gamit ang itak.
Nabatid na nagkaroon umano ng pagtatalo ang mag-asawa nang magpaalam ang misis na magta-trabaho sa Maynila subalit hindi pumayag ang mister.
Naulila ng mag-asawa ang walo nilang anak.
