NAGPULONG ang City Government of Calbayog, kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), upang tukuyin ang mga lokal na pangangailangan sa gitna ng umiiral na State of Emergency.
Dumalo sa pulong sina Atty. Michael Castelo, City Disaster Risk Reduction and Management Office Dr. Zandro Daguman, City Social Welfare and Development Officer Donato Abelda Jr., Barangay Maginoo Captain Eric Nuñez, Ceasar Dealagdon ng Calbayog Public Order and Safety Office (CAPOSO) at team mula sa DSWD sa pamumuno ni Ana Aban.
Sumentro ang diskusyon sa Transportation Disruption na dulot ng paghihigpit sa mga truck na dumadaan sa San Juanico Bridge.
Binigyang diin ng mga opisyal ang tumaas na logistical demands sa lungsod bunsod ng pag-reroute ng shipments sa pamamagitan ng Calbayog Ports.
Sa kabila naman ng mga pagsubok ay iniulat ng mga awtoridad ang unti-unting pagbuti ng sitwasyon, kasabay ng pagpapatibay sa kanilang commitment na ipagpapatuloy ang monitoring, maging ang Coordinated Response Efforts.